BARANGAY PROFILE
BARANGAY PACUAN
Ang Pinagmulan ng Barangay Pacuan
Noong kapanahunan ng mga katsila ayon sa ulat ng mga matatanda may isang kubp ng ang kanilang kampo ay nasa lalawigan ng Capiz.
Sa panahong iyon ang mga sundalo ay nagbabala na sa mga pangyayari na nakawan sa sinasabing lalawigan.
Isang araw may mga pangkat ng magnanakaw na hinahabol ng mga sundalo ngunit hindi nila naabutan sapagkat mabilis din itong nawala patungong lalawigan ng Iloilo lalo na sa bayan ng Lemery.
Ang Lemery ay isang Sitio ng bayan ng Sara, lalawigan ng Iloilo. Ang mga sundalo ay inutusang muli ng kanilang opisyal na gumawa ng paraan para dakpin ang mga magnanakaw.
Habang naghahanap ang mgs sundalo sila ay nakarating sa isang lugar na may maraming “Puaku”. Ang Paku ay isang tanim sa maaring lutuin. Ito ay maaaring ihalo sa mongo at anumang daing.
Sa tulong ng isang tao sinasabi nila na may mga taong hindi nila kilala na dumarayo sa may tabi ng sapa na may maraming Paku. Lingid sa kaalaman ng mga magnanakaw biglang sumugod ang mga sundalo silay’y nadakip.
Bumalik sila sa kampo at isinuko ang mga magnankaw, nang tanungin sila ng kanilang opisyal kung saan nila natagpuan ang mga hinahabol na tao, biglang nagkatinginan ang mga sundalo.
Ipinaliwanag ng isang sundalo na natagpuan nila ito sa lugar na may kapakuhan sa tabi ng sapa. Sa huli ang salitang kapakuhan ay nagging “Pacuan” kung saan dito natagpuan ang tanim na paku lalo na sa tabi ng sapa.